Google

April 3, 2008

Litratong Pinoy - Ako ay Bilog

Iba't-ibang mga Butones

Litratong Pinoy - Ako ay Bilog



Ang mga ito ay iba't-ibang butones mula sa mga bagong damit na kung minsan ay may kasamang ekstrang butones kapag ibinenta. Iniipon ko ang mga ito dahil baka sakaling kailanganin ko sila sa mga darating na araw. Kayo, iniipon n'yo rin ba ang mga ektrang butones ng inyong damit?

Ito ang aking lahok na larawan para sa lingguhang meme na Litratong Pinoy. Kung nais lumahok, bisitahin lamang ang sapotpahina (webpage, LOLs) ng Litratong Pinoy.

Translation:
These are different buttons from my clothes which came with extra buttons. I save these because I might need them in the future. How about you, do you also keep those extra buttons from your clothes?

This is my photo entry for the weekly meme Litratong Pinoy. If you want to join, visit Litratong Pinoy site.

16 comments:

thesserie said...

Naku ipinaalala mo sa akin mga kailangan ko na sulsihan at lagyan ng butones na mga shirts ng asawa ko ha ha ha, salamat!!

natawa ako sa 'sapotpahina' tama naman yata LOLS

Happy LP!

meeya said...

natawa rin ako sa sapotpahina, hehe. :D

actually, ako rin iniipon ko ang mga extra butones. :D sabi ng asawa ko OC raw, hehe. pero di ba ang hirap naman humanap ng katernong butones kung mawala man yung orihinal?? ipagpatuloy mo yan sister. :)

maligayang huwebes! :)

Pinky said...

What a great "OC" idea - I like!!! :D

I'll save my extra buttons from now on too... Thanks for the tip!

Enjoy the rest of the weekend!

weng said...

nina, i'm an LP participant, too. natawa din ako sa sapotpahina. hindi ko agad nakuha! hahaha! napagisip mo ako ngayon kung saan ko nilalagay ang mga ekstrang botones sa mga damit. hindi ko sila tinatapon...pero wala rin naman akong lalagyan para sa kanila. magbubutones hunt tuloy ako ngayon. hahaha! salamat sa idea. maganda rin iyang kabitan ng mga hikaw..nabasa ko sa isang magazin. ;)

Munchkin Mommy
Mapped Memories

Grey said...

Naalala ko tuloy ang sapatos kong may malaking butones na disenyo. :) Inarbor ng nanay ko. :) Hanga ako sa BILO mo. :) Masayang LP! :)

Grey said...

BILOG un.. kulang lang ng "G" hehe.. :D

Lizeth said...

magandang larawan ng mga butones! :D

masayang biyernes!!

sardonic nell said...

nakapaganda and nakapakulay na butones. bigla ko tuloy naalala yong mga tatahiin ko this week end, hehehe ;)

nina said...

@thesserie,
Inimbento ko lang yon :) Ano nga ba ang tagalog ng webpage?

@meeya,
Hindi naman ako OC kaya lang kung saan-saan kasi nakalagay kaya inipon ko na lang doon sa sewing kit ko. Eh wala akong maisip na bilog, naalala ko sya :)

@pinky,
Go girl!

@weng
Try ko nga kabitan ng hikaw...

@grey
Wala kasi ako maisip tapos naalala ko yong mga butones ko.

@Lizeth,
Salamat.

@Sardonic Nell,
Simulan na natin. Ang dami ko rin susulsihan, hindi ko pa naasikaso.

Sarge Charlie said...

I have a box full of old buttons I never needed, some must be 50 years old, old buttons for army uniforms.

HiPnCooLMoMMa said...

dati iniipon ko, pero parang ni isa wala akong nagamit, kaya ngayon tinatapon ko na lang =(

Ferdz said...

I've been seeing this challenge at some other blogs as well. Yours is nice and creatively shot as well.

raqgold said...

marami rin akong butones, ang mahal kasi ng butones dito e -- atsaka ginagamit ng mga little kengkay minsan sa mga art works nila :D

kengkay here

Nina Lumberio said...

@sargeant charlie,
wow that was really old :)

@hipncoolmama,
wala pa rin akong nagamit. yong iba parang naipamigay ko na ata yong damit. Tapos nung minsan naman nangailangan ako dalawa eh lisa lang yong libre :)

@ferdz,
salamat! sali ka na rin.

@kengkay,
Dito hindi ko alam kung saan pwede bumili :)

Nina Lumberio said...

Maraming Salamat sa lahat ng mga bumita :)

Shalimar said...

you know sometimes i buy buttons i dont need just bec they are cute ,,,