Google

April 9, 2008

Litratong Pinoy - Tatlo ang Sulok Ko



Litratong Pinoy - Tatlo ang Sulok Ko


Ang litrato sa taas ay kuha sa loob ng Burj Al-Arab Hotel, isang sikat na Hotel na matatagpuan sa Dubai, UAE at may kategoryang "pitong bituin." Ito ang tanawin kung titingala habang nasa gitna ng hotel. Hindi ba't TATLO ANG SULOK nya? Ang larawan naman sa ibaba ay ang mismong gusali ng hotel. Ang disenyo ng hotel na ito ay ibinase sa hugis ng layag kung kaya ang kabuuan ng bawat gilid nya ay may TATLONG SULOK din.

Sa ngayon, ito ang pinakamataas na gusali sa buong mundo sa kategoryang hotel. Nagpunta kami rito noong 2006 ngunit bilang mga turista lamang dahil napakamahal ng kanilang mga kuwarto. Ang pinakamura nilang kuwarto ay nagkakahalaga ng hindi bababa sa USD 1,000 kung kaya itinuturing itong isa sa pinaka mahal na hotel sa buong mundo. Ang website ng Burj Al Arab ay maari ring bisitahin kung nais ng karagdangang impormasyon tungkol sa kanilang serbisyo.

Ito ang aking lahok na larawan para sa lingguhang meme na Litratong Pinoy. Kung nais lumahok, bisitahin lamang ang sapotpahina (webpage, LOLs) ng Litratong Pinoy.

Ipagpaumanhin nyo na masisimulan ko lamang ang pagbisita sa inyong mga larawan sa Huwebes ng gabi o Biyernes ng umaga, oras dito (GMT +3). Biyernes po kasi ang araw ng aming pahinga.

Burj Al Arab


Translation:
The first photo is the interior of Burj Al-Arab Hotel, a famous seven-star hotel in Dubai, UAE. This is the view if one is looking up from the center of the ground floor. Did you notice the THREE CORNERS above? The second photo is the Burj Al Arab building. The hotel was shaped like a sail of a dhow boat. If you notice, each side of the hotel also have THREE CORNERS.

This is so far the highest Hotel building in the world. We went here in 2006 but as tourists only because we cannot afford their room (it's all suites). The cheapest room costs more than USD 1,000 that is why they are considered one of the most expensive hotels in the world. For more information regarding their services, you can also visit
Burj Al Arab website.

This is my entry for the weekly meme
Litratong Pinoy. If you want to join, visit Litratong Pinoy site.

I will start visiting your photos on Thursday night or Friday Morning (Doha time) (GMT +3). Friday is our rest day.

34 comments:

lidsÜ said...

wow! isa yan sa mga lugar na gusto kong bisitahin! tunay na kamangha-mangha ang dubai!
magandang huwebes sa'yo!

alpha said...

wow! sana makapunta ako dyan..

kaje said...

gusto ko makarating dyan (syempre dapat check-in!!!) pero matagal pa yun, baka kahit magipon ak, hindi pa ako makapunta dyan hehehehe

ang ganda ng kulay ng kuha mo :)

bluepanjeet | OTWOMD™ said...

nina napakasikat nyang gusali na yan. buti kamo nakapasok ka kasi ang pagkaka alam ko may bayad daw ang pagpasok dyan. di ko alam kung tunay.

Magandang huwebes sayo kapatid.

Lynn said...

Hindi ko akalain na loob pala yan ng sikat na hotel na may pitong bituin. :) Makulay pala s'ya sa loob.

ZJ said...

Wow - ang ganda-siguro dyan ano? Isa yan sa mga gusto kong puntahan, sikat na sikat na ito ngayon sa buong mundo.

Buge said...

Maganda nga ang mga tatsulok na yan! Sana makapunta din ako dyan! :)

Nina Lumberio said...

@lindsu
Maganda ang Dubai at marami din mapupuntahan.

@alpha
Ako din, gusto ko bumalik...

@kaje
Ayos yan. Hindi nga namin nakita yong mga suites kasi fully book daw.

@bluep,
Wala naman bayad pero exclusive sya, mga bisita lang ng hotel ang pwede pumasok saka yong may mga reservation sa mga kainan. Yong iba para makapasok, sumasama sila dun sa tour na may kasamang afternoon tea kaya may bayad. Nakapasok kami ng libre kasi may kaklase ako nung hayskul na empleyado sa Jumeirah.

@lynn,
oo makulay sya sa loob, puro pula at ginto. Sa totoo lang di ko masyado gusto.

@zg,
oo maganda sya saka yong mga bisita nila Rolls Royce and sundo mula sa airport o kaya helicopter. Yong bilog sa may harap, bandang taas helipad yon.

@buge,
iconic itong building lalo na nung wala pang Burj Dubai

Joy said...

Huwaw! Ang galing naman ng kuha mo!!! Nice perspective!

Pinky said...

Napakaganda na naman ng lahok mo, Nina! Congrats! :)

Isa sa mga "dream destinations" namin ang Dubai, lalo na't habang nandito din kami base sa Gitnang Silangan. Sana sa susunod na taon e mabiyayaan na kaming makabisita...

Isang mapagpahingang Biyernes sa iyo!

mousey said...

pang may datung lang ang pwedeng matulog dyan heheh...

ang ganda-ganda ng kuha mo.

Grey said...

Hello Nina!

Andito ako sa Dubai ngaun. :) Ang ganda ng litrato mo. Sa ngaun ang pinakamurang kwarto sa Burj Al Arab ay nagkakahalaga ng 7,500AED (around 82,500PHP) un ang One Bedroom Deluxe Suite at ang pinakamahal ngaun ay ang Royal Suite na nagkakahalaga ng 50,000AED (o humigit kumulang kalahating milyon isang tulugan lang!!!) hay grabe ibang level heheh! :) Magandang Huwebes!

sardonic nell said...

thats is beautiful. and i heard the dining experience in there resto is to die for...

betweenthemoonandnyc said...

peborit ko yung unang kuha, nice perspective!

Lizeth said...

gusto ko makita ang burj al arab! ung brother ko and cousins ko nasa dubai. actually madami pa ngang ibang things to do don :) sigh.

ang ganda! nagulat ako na kuha pala un from the loob :)

Heart of Rachel said...

Ang ganda ng kuha mo. Madami na din akong narinig na maganda tungkol sa lugar na yan.

Nina Lumberio said...

@joy,
Salamat! Mas magaling si hubby...

@pinky,
Kailangan makarating ka hangga't nasa middle east ka. Pwede naman kayo magtravel by land di ba? Tapos, may mga mura din naman hotels. Mag-eenjoy ang mga bata sa Wild Wadi saka sa Ski Dubai.

@mousey
Oo nga ang mahal. $2,000 daw ang pinakamurang room. Punta na akong Europe pag ganun :)

@Nelly,
We haven't tried the resto kasi mahirap din magreserve at siguradong mahal. Hindi ko alam kung masarap and pagkain pero sikat yong resto nila kasi aquarium daw ang ilalim nun. So kita mo mga isda habang kumakain.

@between the moon,
Salamat!

@Lizeth,
Kung may kapatid ka sa Dubai, pwede ka nya sponsor ng visit visa. Siguradong mag-eenjoy ka sa Dubai.

@Rach,
Sali ka na rin!

Nina Lumberio said...

Sa lahat ng bumisita, Maraming Salamat sa inyo!

Dragon Lady said...

naakss! ang ganda naman nang lahok mo at swak na swak sa tatsulok na tema ngayong linggong ito. :)

sana ay makapunta rin ako dyan sa darating na panahon. isang napakaganda at napakarangyang hotel nga raw iyan ayon sa aking pinsang nagtatrabaho sa dubai. :D

ika'y inaanyayahan kong bisitahin din ang aking lahok. ;)

julie said...

Napakaganda, nakakalula, sa taas at sa presyo :)

komski kuno said...

Kapag Dubai ang pinag-uusapan, yang building na yan ang naaalala ko, hehehe. Ganda pala niyan sa loob, astig. Hehehe, yung mga entries ko puro sa bahay lang namin, hehehe.

HiPnCooLMoMMa said...

naku pang rich and famous and can afford yang hotel na yan, pag ako nanalo sa lotto, pupuntahan ko yan at aalamin ko kung bakit ganun sya kamahal.

iRonnie said...

ang galing. i like the way na nagpo progress kada floor yung kulay from teal to yellow.

Ruy said...

Heya! Hopped over from Toni's.=) Nice pictures you take!

Sarge Charlie said...

excellent photos

leapsphotoalbum said...

Nina, nakakatuwa dahil ang ganda talaga ng hotel na iyan... so loob at sa labas. Kakaiba ang kanyang disenyo (at presyo :) )

Random Ramblings said...

sana rich ako para makapunta rin ako sa dubai as tourist =)

Nina Lumberio said...

@dragon lady, julie, komski kuno, hipncoolmomma, ironnie, ruy, sarge charlie, leapsphotoalbum, ramdomramblings:

Maraming salamat sa inyong pagbisita :)

Thank you very much for visiting :)



@random ramblings

the donG said...

thanks for the photos. it was my first time to see the interior of Burj Al Arab. i hope i get to see more photos of this building.

meeya said...

nung nakita ko ang unang litrato, unang pumasok kaagad sa isip ko ay ang hotel na yan... at tama pala ako. :) napanood ko sa discovery channel ang paggawa niya, grabe namangha ako. :)

salamat sa pag-share mo ng photo para sa aming mga di kasing swerteng makapasok sa loob. :)

MyMemes: LP Tatsulok
MyFinds: LP Tatsulok

Leah said...

very nice

nina said...

@dong,
Marami pa kong litrato ng burj al-arab sa multiply ko.

@meeya, @leah
salamat sa pagbisita!

caryn said...

i love how each floor has a different ceiling color! ang ganda ng gradation!

Shalimar said...

a bit too late you certainly have the eye... great pic... its amazing what ideas can come up.....

I was in abacos... bahamas back in florida few days ago