Google

April 23, 2008

LP - Hugis Pahaba




LP-Hugis Pahaba


Para sa linggong ito, ang aking lahok ay larawan ng dalawang sikat na istruktura sa Europa: ang Belfry ng Bruges, Belgium at Eiffel Tower ng Paris, France. Ang mga ito ay itinuturing na mahalagang simbulo ng kanilang mga bansa.

Ang Belfry ng Bruges ay itinayo noong taong 1240. May taas itong 83 metro at ang mga turista ay pwedeng makarating sa tuktok nito sa pamamagitan ng pag-akyat sa 366 na baitang ng makitid at matarik nitong hagdan. Katulad ng ibang mga Belfry, dito nakatago ang mga treasury at archives ng Bruges noong unang panahon. Ito rin ay nagsisilbing watch tower sa pagbabantay kung may sunog at iba pang panganib. Subalit noong taong 1280, ang Belfry ay nasunog. Muling itong itnayo ngunit ang mga archives ay hindi na naisalba pa. Ang octagonal lantern at wooden spire ay idinagdagdag sa pagitan ng taong 1482 at 1486. Subalit matapos masunog ang wooden spire noong 1493 at 1741, hindi na ito muling itinayo. Sa ngayon, ang belfry tower ay mayroong carillion na may 47 na kampanilya. Ang musika ng carillion ang nakapagbigay halina sa mga turista ng Bruges.

Samantala, ang Eiffel Tower naman ang pinakamataas na istruktura sa France. Kinikilala rin ito sa buong mundo bilang simbolo nf France. Ito ay may taas na 325 metro kasama ang 24 metro na antenna. Ginawa ito noong taong 1887 at 1889 at ginamit para sa Exposition Universelle. Sa ngayon, ito ay nagsisilbing communications tower. Ipinangalan siya kay Gustave Eiffel na siya ring nagdisenyo nito. Si Gustave Eiffel din ang may gawa sa Statue of Liberty sa New York, Basilica de Sebastian at Quezon Bridge sa Maynila.

Ito ang aking lahok na larawan para sa lingguhang meme na Litratong Pinoy. Kung nais lumahok, bisitahin lamang ang Litratong Pinoy.

Note:

I will not translate this entry in English anymore. Information provided were lifted from these sites:

Belfy of Bruges: Wikipedia-Belfry of Bruges at Trabel.com

Eiffel Tower: Wikipedia-Eiffel Tower at Eiffel Tower Official Website

17 comments:

fortuitous faery said...

mabuhay mula sa new jersey, nina! salamat sa pagdalaw sa aking LP na larawan!

ang gaganda ng mga gusaling ito! :)

fortuitous faery said...

pangarap kong masilayan ang eiffel tower sa pransya!

Munchkin Mommy said...

hi nina! salamat sa pagbisita sa aking mga sites. :) ako'y pinalad na ring makita ang eiffel tower. ang belgium naman ay literal na nadaanan lang namin nang mag-drive kami mula alemanya hanggang maastricht sa holland...kaya wala akong nakita sa belgium. hahaha!

Mga Pahaba sa Dallas
Mga Pahaba sa Houston

iris said...

ang ganda ng mga kuha mo nina :)

lidsÜ said...

paris! i'd love to visit paris! kailan kaya? haaay! sana'y hindi lamang sa litrato makita ang mga ito...
magandang araw sa'yo!

Grey said...

Ang ganda naman ng kuha mo sa mga gusaling yan! :) Maligayang LP!

thess said...

Maksaysayang mga tore, ganda ng lahok mo ulit, Nina!!

hanggang sa susunod na Huwebes!

Shalimar said...

i have been living on off south of france waited for a man to go with to see paris
and brugges... makabalik nga sa europe....
great collage...

Pinky said...

Nice pictures and an equally informative write-up, as usual. :)

HappySaturday to you, Nina!

jennyL said...

mga ang mag kuha mo ng mga straktura. Uy noon ko pa pinapangarap makita yang eiffel tower na yan nga lang baka hanggang panaginip na lang ah..

leapsphotoalbum said...

Nina, gusto ko yung shot mo ng Eiffel Tower at night. Talagang city of lights and Paris... maganda, so romantic.

darkangel said...

wooow, good shots!!! Nice to see these pics.

meeya said...

wow, ganda ng shots! :) i especially love the eiffel tower nightshot. napaka-romantic hehe. salamat sa pag-share ng photos para na rin akong namasyal pansumandali. :)

MyMemes: LP Pahaba
MyFinds: LP Pahaba

kiwipino said...

ganda ng eiffel tower - dagdag ko lang po sya rin ang gumawa ng dating istasyon ng tren sa tutuban.

mirage2g said...

Hi Nina! Pagbati mula sa Vienna! Naisipan ko nga din ilagay ang Eiffel Tower ngunit wala akong kuha nito ng may magandang langit sa background,,,salamat sa pag share....hanggang sa susunod!

Heart of Rachel said...

Ang ganda, sana balang araw makapunta ako at makita ko ito ng malapitan.

MommyBa said...

sana mabisita ko tong mga lugar na ito balang araw :)