Google

April 27, 2008

Senti Ako

Four years na ako dito sa Qatar at katatapos lang ipa-renew ng residence permit ko for another two years. Medyo nag-senti ako. Ewan ko ba, inatake yata ako ng homesickness. Wala lang, naisip ko gano pa kaya kami katagal dito. Naalala ko yong mga parents ko, close relatives saka yong mga friends ko.

Sa April 2009 pa ang schedule namin ni Walter na umuwi. Pero dahil nagse-senti-senti nga ako, nagbalak tuloy ako umuwi sa darating na Hulyo kasabay ng kapatid ko saka ng parents ko para magkita-kita naman kami. OFW din ang father ko kaya hindi namin sya masyadong nakasama noong lumalaki kami. Kung tuwing ikalawang taon lang kami uuwi gaya ng ginagawa namin ngayon eh limang beses ko lang makikita ang parents ko sa loob ng 10 taon. Tumatanda na ang parents ko. 55 na sila ngayon at 10 years mula ngayon 65 na sila. Naisip ko, siguro dapat taon-taon na kami umuwi kahit sandaling bakasyon lang. I’m sure gusto rin ni Walter na mas madalas umuwi para makita ang parents at lola nya.

Kayo, malayo din ba kayo sa magulang nyo? Gaano nyo sila kadalas dalawin?

5 comments:

kengkay said...

si tatay ko is in his early 70s and my nanay in her late 60s - mahirap kapag malayo sa pamilya mo talaga. lalo pa sa yo, na OFW din pala si tatay mo. pero alam mo, kaya mo yan, hindi maiwasan ang homesickness -- pero meron namang telepono, emails, webcams, etc -- wag ka, minsan inaatake din ako ng sobrang homesickness ha, lalo ka kapag malapit na kaming umuwi ng pinas :) hugs, nina

chinois97 said...

Ninna, naku ganyan talaga ang buhay ng mga OFW katulad natin. Kami naman we make it a point to try to go home at least once a year para makita namin ang mga magulang namin at para din maka-pahinga. I recommend you go home more often too if not a financial problem.

Nina Lumberio said...

@kengkay,
salamat sa hugs :) Actually, nagdadalawang isip ako kung uuwi ako kasi kulang na ang bakasyon ko sa mga libot ko. Pero dahil nasabi ko na sa papa ko na parang gusto ko umuwi at na-excite na sya, uuwi na lang ako. Heheheheh

@chinois97
Naisip ko nga kailangan siguro every year umuwi kami. Libre naman ang airfare kasi sagot ng company pero minsan sa ibang country kami nagpupunta kaya hindi ako umuuwi sa Pinas. Magastos lang talaga sa pasalubong pag umuuwi:) Sabi nga ng Dad ko wag ko na daw isipin yong pasalubong, umuwi na lang daw muna ako.

Heart of Rachel said...

Nag migrate sa America and buong pamilya ko nung college ako. Di ako nakasama kasi above 21 na ako. Madalang ko makita pamilya ko pero masaya ako ngayong taon kasi nakapagbakasyon ang kapatid ko nung kelan lang. Tapos sa darating ng Martes, magulang ko naman ang uuwi.

Major Tom said...

My father wasn't an OFW but he was always assigned in some other city here in the Philippines as a top-level government bureaucrat so it was kinda hard growing up without him around in most part of the year. But it was just a matter of adjustment. Somehow, I felt that despite the distance, he was always with us in spirit.