Google

May 28, 2008

LP- Mahangin


Medyo nahirapan ako sa tema ng ating LP ngayong linggong ito. Pero siyempre may lahok pa rin akong larawan.

LP - Mahangin


Mahangin sa labas, halata naman di ba? Ito ay kuha sa disyerto ng Qatar noong kami ay nag sand dunes bashing. Kasama ko rito si Walter, ang aking mga kapatid at aking Tito. Mahangin noong araw na iyon na lalong nakapagpalamig ng temperatura.

Ito ang aking lahok na larawan para sa lingguhang meme na Litratong Pinoy. Kung nais lumahok, bisitahin lamang ang ang Litratong Pinoy.

It's a windy day, very obvious ins't it? This photo was taken during a sand dunes bashing trip in the Qatari desert. Walter, my two brothers and my uncle are with me. As the wind blows, the temperature gets cooler ak.a wind-chill effect.

This is my entry for the weekly meme Litratong Pinoy. If you want to join, visit Litratong Pinoy site.

May 24, 2008

Rice is Now a Luxury!

I went to the supermarket today to drop my coupons for the car raffle. I also bought some rice, juice and eggs as we are already running out of supply. I have this habit of not checking the prices (yeah, I know it's bad) when buying regular items like rice. When the cashier scanned the bar code, I was surprised that the price of my preferred rice brand (Royal Umbrella from Thailand) increased from less than QR 50/10-kg last month to QR 69.50/10-kg. I just can't believe the price increase is more than QR 20/10-kg bag - almost 40% in a span of one month. I don't know if the importation price is really high or the importer is taking advantage of the low supply and high demand for Thai rice. According to the Filipina cashier, the rice importers already warned that the price of rice will continue to increase in the following months due to global rice shortage. In fact, some people are already panic-buying so I did a little bit of hoarding too.


In the past, Royal Umbrella is being sold at QR 29-30/10-kg bag only. A few months ago, the price is increased to around QR 40 after being out of stock for a few weeks. Then last month the price has increased again to QR 50. At the current price of QR 69.50 - I think eating rice is now a luxury! I'm sure this will affect the food budget of rice-eaters particularly Pinoys. My only consolation is it's a good motivation for me to cut down my rice consumption :)

The price of most goods here have gone up from 30 - 150% and honestly, I am bothered that situation may worsen in the next months. Some supermarkets promised to keep the prices of certains goods but for how long? Many expats already decided go home because of sky-rocketing rents and continued price increase of consumer goods and food supply. But, what to do?

1 US$ = QR 3.65

May 21, 2008

LP - Tubig


Ayon sa Tagalog Wikipedia:

Ang ilog ay isang malaking likas na daanang tubig. Maaaring pinagkukunan nito ang isang lawa, isang bukal o pagtitipon ng maliit na mga batis, kilala bilang agos. Mula sa pinagkukunan, dumadaloy pababa ng isang burol ang lahat ng mga ilog, na kadalasang tumitigil sa mga karagatan.


Ang Loreley sa Rhine River

Ang aking lahok na larawan para sa linggong ito ay kuha noong kami ay naglayag sa Rhine River sa Germany. Ang Rhine River ang ang pinakamahabang ilog sa Germany at isa sa pinakamahaba at pinakaimportanteng ilog sa Europa. Ito at may habang 1,300 kilometro na dumadaloy mula sa Swiss Alps patungong North Sea.

Ang kuha sa taas ay parte ng Upper Middle Rhine Valley or mas kilala sa tawag na Rhine Gorge. Ang Rhine Gorge ay ang 65-kilometrong section ng Rhine sa pagitan ng Koblenz at Bingen sa Germany na kabilang sa UNESCO list of World Heritage simula pa noong June 2002. Matatagpuan ang maraming castles at vineyards sa parteng ito ng Rhine. Ang pagkakaroon nito maraming castles ay patunay na ang Rhine River ay isang mahalagang waterway. Ang Loreley Rock naman ay isa ring popular na landmark sa Rhine River na may taas na 120 metro. Ang lugar ding ito ang pinaka-makipot na parte ng Rhine River.

Ito ang aking lahok na larawan para sa lingguhang meme na Litratong Pinoy. Kung nais lumahok, bisitahin lamang ang ang Litratong Pinoy.

May 20, 2008

Damit

I must say I am an observant person. Kahit di ako kumikibo, napapansin ko ang mga nagyayari sa paligid ko. Matandain ako ng lugar, events at mga bagay na interesting para sa akin. I tend to pay attention to details kaya napapansin ko kung sino sa mga kaopisina ko ang nag-uulit ng damit kinabukasan. Bakit pati ito sinusulat ko sa blog ko? Wala lang, hindi ko kasi maintindihan kung ito ba ay pagtitipid, panghihinayang, katamaran o kultura. Basta di ko gets at di ko understand kahit sabihin pa nating winter at malamig naman. Besides, it's already summer here!

So far, dalawa sila na laging nag-uulit ng suot. Pareho silang taga-Oyropa, isang Pranses at isang Ingles. Babae pa naman yong Ingles. I wonder kung nagpalit kaya sila ng pantulog o iyon na rin ang suot nila noong natulog sila? Naligo kaya sila? Nagpalit kaya sila ng panloob? Ganun pa man, hindi pa naman sila nangangamoy – hindi gaya noong mga paborito kong taga-Timog Asya na araw-araw nga iba ang damit pero nangangamoy pa rin. Sabagay, kahit iba damit nila araw-araw, duda ako kung nilalabhan nila o ginagamitan ng sabon pag naglalaba. May mga nagpapatotoo kasi na yong ibang taga-Timog asya sa sobrang tipid, hindi gumagamit ng sabon sa paglalaba man o sa paliligo. Tapos, minsan naman hindi na raw talaga nilalabhan yong damit. Pagkasuot i-hahanger ulit o kung minsan pinaplantsa pa. Tapos, dagdag pa yong kinakain nila. Don't get me wrong, hindi lahat sila ganon - pero hindi rin imposible. Hay, bakit nga kaya sila hindi nagbibihis araw-araw?

May 18, 2008

Keyk

Feel ko mag-tagalog ngayon. Saka tungkol ito sa trabaho, baka may silent reader na ka-opisina ko. Gusto ko lang ibahagi ang isang nakakabaliw na umaga.

Ganito kasi yon. Kaarawan ng amo namin bukas. Noong isang linggo, naisip naming mga Pinoy na bumili ng keyk na may larawan ng amo namin. Ayaw ko naman na kami-kaming Pinoy lang ang mag-plano dahil baka isipin nila na sip-sip o ma-epal kami kaya tinanong ko ang mga ka-opisina ko kung gusto nila yong ideya at kung okay lang sa kanila na magbigay ng kaunting kontribusyon pambili ng cake. Karamihan naman ay nagsabing okay lang. Pero may isa na ganito ang sinabi sa akin. Dun ka na lang sa asawa ni R magorder - isang daan (riyal) lang. Akala ko sasabihin nya - masarap. Doon naman talaga kami oorder pero magbabakasyon pala sila kaya hindi pwede. Eto pa, nagreklamo at bakit daw capuccino ang bibilhin ko - hindi naman daw lahat nagkakape. May foint sya kaya mega call ang lola nyo sa pagawaan ng keyk at iba na lang ang inorder. Hindi ko naisip na baka ayaw ng iba ng keyk la lasang kape. Naisip ko rin na base sa komento nya, ayaw nilang magbayad ng mahal na kontribusyon kaya kahit magpalwal ako ng kaunti, kinse lang ang siningil ko.
Ngayong umaga, nagsimula akong mangolekta ng tig-kinse. Palwal na nga ako sa kinse kasi wala pang bente katao ang bilang namin eh mga tatlong daan yong keyk. Tapos may isa ba naman na nagtanong ng ganito: Kailangan ba magbayad kung wala naman ako bukas. Duh? Eto pa yong isa - Bakit kinse sinisingil mo magkano ba yong keyk. Mathematician daw siya kaya compute muna nya. Sabi ko mga dalawang daan ang keyk at sitenta y singko ang larawan na icing. Pag-isipan ba ako na pinagkakitaan ko pa yong keyk. Sumabat ulit yong isa: Hindi naman natin kailangan kainin yong larawan nya. Sa isip ko - dami nyo pang reklamo, kung ayaw nyo magbayad - e di huwag! Ako na lang bibili, magkano lang naman yon. Tutal, palwal na rin ako ng kaunti. Ayaw ko ng ipabago yong order ko noh. Isa pa, matapos namin kasapakatin yong asawa ng amo ko, hindi ko ilalagay yong larawan sa keyk? Ayun, matapos akong bayaran ng kinse - kailangan ko daw i-enhance ang sales skills ko. Wa ko say - kakabaliw!

Sa totoo lang pwede naman akong hindi maningil sa iba at kami-kaming Pinoy na lang ang bumili ng keyk. Ayaw ko lang isipin nila na nagsasarili kami ng plano. Saka, baka maging source pa ng intriga. Ewan ko nga ba bakit naisipan ko pa gawin. Pagkatapos nito, hindi na ulit ako mag-iinitiate ng ganito saka baka wala na rina ko dito.

May 16, 2008

Blog Withdrawal...

Sa totoo lang, wala akong ganang mag-blog. Kahit marami akong gustong isulat, kapag kaharap ko na ang laptop ko, hindi ko rin maisulat. Blog withdrawal ba ito? Siguro dahil busy ako sa trabaho kaya ganito. May bago akong project na kakasimula pa lang kaya medyo tutok ako sa work. May mga tinatapos din akong training modules sa Project Management. Hinahataw ko na para ma-certify ako kahit Associate Project Manager lang muna. Busy rin ang mga weekends ko nitong mga nakaraang linggo. Napapadalas kasi ang mga paglabas-labas namin. Kung minsan ay picnic sa beach, kain sa labas or nood ng sine.


Ngayon medyo sinipag ako magsulat kasi binubwisit ako ni OLDen Ghost. Nag-post kasi ako ng comment dati na sasagutin ko ang comment nya point by point at ayon hinihintay pala. Ang hibang, sinabihan ba naman akong duwag. Kung ano-ano pa ang itinatawag sa akin gaya ng sinungaling, mahina ang ulo, etc. Pano daw ako nakakatulog sa gabi? Eh bakit naman hindi ako makakatulog? Sino ba sya para ma-apektuhan ako. Today nga nagpamasahe ako kaya siguradong mahimbing ang tulog ko. Sasagutin ko pa ba? Ayaw ko na sya pag-ubusan ng panahon, sayang lang oras ko. Mahal ang per ora ko.


Since sinipag akong mag-post ngayon, update ko na lang kayo sa mga pinagkaka-abalahan ko ngayon.


Sa unang pagkakataon sa loob ng apat na taon na pamamalagi dito eh nakapunta rin ako sa beach noong Marso. Nag picnic kami ng mga ka-trabaho ko sa Al Wakrah beach - isang public beach na malapit sa aking bahay. Grabe, isipin nyo, 10 minuto lang ang beach mula sa aming bahay pero noon lang ako nakapunta. Tapos nasundan pa ulit yon. Hindi kasi nakasama yong isang Pinoy sa company outing namin kaya, nagpunta ulit kami sa beach. This time, sa Dukhan Beach kami nagpunta at puro mga katrabahong Pinoy lang ang kasama namin.


Recently, magaganda rin ang palabas sa sine. Napanood namin ang Golden Compass, Spiderwick Chronicles at Iron Man. Noong last week of April, nag-dinner naman kami sa Intercon dahil birthday ng kaptid ko. Sinubukan namin ang seafood buffet dinner nila sa Lobby Lounge ng Intercon Hotel. Okay naman siya pero kung seafood talaga trip nyo, mas masarap ang seafood buffet sa Fish Market Restaurant ng Intercon Hotel tuwing Biyernes.


Tapos nahihilig din ako sa photography. Sumali kami ng asawa ko sa Doha Pinoy Shooters Club - grupo ng mga Pinoy na mahilig sa photography. Nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon kami ng mga weekend activities kaya parati ring pagod. Wala pa akong alam sa photography, nagsisimula pa lang at na-realize ko, kung gusto ko talaga matuto, kailangan ko siyang pagtuunan ng panahon. Ang photography ay combination ng technical at creative skills. Yong technical side ay kaya ko siguro i-master. Kaya lang, wala akong creativity eh. Pero gusto ko pa rin subukan baka sakali ma-develop :)


So ayon, busy talaga ang lola nyo. Kapag lumabas kami ng weekend, napapagod talaga ako kasi pag-uwi sa bahay kailangan pa rin gawin ang mga weekly household chores. Kaya siguro eto, tinatamad mag-blog. Hopefully makapa update pa rin ako kahit pa-isa-isang entry lang. Kaya si OLDen Ghost, bahala siya sa buhay nya. Kung gusto niya maging miserable, siya na lang. Ako, masaya sa buhay ko at araw-araw nakakatulog ako ng mahimbing lalo na at alam ko na maraming nagmamahal sa akin, wala akong utang at malinis ang konsensya ko.


Kayo, dumarating din ba kayo sa point na ayaw nyo na muna mag-blog?

May 14, 2008

Poll

Sa iyong palagay, ano ang ibig sabihin kapag ang lalake ay nagtetext ng "I Love You" at "I Miss You" sa malapit na kaibigang lalake? Ito ba ay isang acceptable na biro? Ito ba ay maaaring may malisya o wala? Ito ba ay tanda lang ng pagiging matalik na magkaibigan? May iba ba itong ibig sabihin? Mga tapat at prangkang sagot lamang po. Maraming Salamat!

LP - Umaapoy



LP-Umaapoy


Ito ang Flame of Liberty, replica ng flame na hawak ng Statue of Liberty sa New York. Matatagpuan ito sa Pont d l'Alma sa Paris, malapit sa tunnel kung saan namatay si Princess Diana.

Pasensya na kung luma ang mga litrato ko.

Ito ang aking lahok na larawan para sa lingguhang meme na Litratong Pinoy. Kung nais lumahok, bisitahin lamang ang ang Litratong Pinoy.


Translation:

This is called Flame of Liberty, replica of the flame carried by the Statue of Liberty in New York. It is found in Pont d l'Alma, very close to the tunnel where Princess Diana died.

My apologies for posting old photos.

This is my entry for the weekly meme Litratong Pinoy. If you want to join, visit Litratong Pinoy site.

May 11, 2008

Happy Mother's Day!

Happy Mother's Day to all MOTHERS out there!
I hope that you enjoyed your special day with your family.

May 8, 2008

LP - Mahal na Ina

LP - Mahal na Ina

Bukod sa ating mga ina na nag-alaga at nagmamahal sa atin, ang Mahal na Birheng Maria ay itinuturing na Ina ng Sanlibutan. Maraming Pinoy ang deboto ng Mahal na Birhen at naniniwala sa kanyang intercession gaya ko.

Ang litrato sa taas ay ang Grotto ng Our Lady of Lourdes sa France. Dito sa lugar na ito nagpakita ang Mahal na Birhen kay St. Bernadette ng 18 beses. Halos limang milyong pilgrims ang bumibisita dito taon-taon. Noong pumunta kami sa France, pinuntahan talaga namin ang Lourdes upang magdasal kasi pakiramdam ko hindi makukumpleto ang aming bakasyon ng hindi nakakarating sa Lourdes.

Ito ang aking lahok na larawan para sa lingguhang meme na Litratong Pinoy. Kung nais lumahok, bisitahin lamang ang ang Litratong Pinoy.

Translation:

Aside from our mothers who took care and love us, Mother Mary is also the mother of mankind. Many Filipinos are devotees of Virgin Mary and like me, they believe in her intercession.

The photo above is the Grotto of Our Lady of Lourdes in France. This is where Mary appeared to St. Bernadette 18 times. Every year about five million pilgrims visit the Grotto. When we went to France, I made sure we went to Lourdes because I feel that our vacation wouldn't be complete without visiting the Grotto.

This is my photo entry for the weekly meme Litratong Pinoy. If you want to join, visit Litratong Pinoy site.

May 1, 2008

LP - Malungkot


LP - Malungkot


Magandang pagmasdan ang naninilaw at namumulang dahon na nalalaglag mula sa mga puno kung panahon ng taglagas ngunit ito rin ay isang MALUNGKOT na tanawin. Alam kong ito'y panandalian lamang at ang mga dahon ay muling uusbong sa panahon ng tagsibol ngunit MALUNGKOT talaga ang hatid na emosyon ng taglagas.

Ito ang aking lahok na larawan para sa lingguhang meme na Litratong Pinoy. Kung nais lumahok, bisitahin lamang ang ang Litratong Pinoy.

Translation:
It's nice to watch yellowish and reddish leaves falling off the trees but it is also a SAD scene. I know that it will pass and the leaves will grow again during spring time but the autumn season really brings a SAD emotion.

This is my photo entry for the weekly meme Litratong Pinoy. If you want to join, visit Litratong Pinoy site.