Google

May 16, 2008

Blog Withdrawal...

Sa totoo lang, wala akong ganang mag-blog. Kahit marami akong gustong isulat, kapag kaharap ko na ang laptop ko, hindi ko rin maisulat. Blog withdrawal ba ito? Siguro dahil busy ako sa trabaho kaya ganito. May bago akong project na kakasimula pa lang kaya medyo tutok ako sa work. May mga tinatapos din akong training modules sa Project Management. Hinahataw ko na para ma-certify ako kahit Associate Project Manager lang muna. Busy rin ang mga weekends ko nitong mga nakaraang linggo. Napapadalas kasi ang mga paglabas-labas namin. Kung minsan ay picnic sa beach, kain sa labas or nood ng sine.


Ngayon medyo sinipag ako magsulat kasi binubwisit ako ni OLDen Ghost. Nag-post kasi ako ng comment dati na sasagutin ko ang comment nya point by point at ayon hinihintay pala. Ang hibang, sinabihan ba naman akong duwag. Kung ano-ano pa ang itinatawag sa akin gaya ng sinungaling, mahina ang ulo, etc. Pano daw ako nakakatulog sa gabi? Eh bakit naman hindi ako makakatulog? Sino ba sya para ma-apektuhan ako. Today nga nagpamasahe ako kaya siguradong mahimbing ang tulog ko. Sasagutin ko pa ba? Ayaw ko na sya pag-ubusan ng panahon, sayang lang oras ko. Mahal ang per ora ko.


Since sinipag akong mag-post ngayon, update ko na lang kayo sa mga pinagkaka-abalahan ko ngayon.


Sa unang pagkakataon sa loob ng apat na taon na pamamalagi dito eh nakapunta rin ako sa beach noong Marso. Nag picnic kami ng mga ka-trabaho ko sa Al Wakrah beach - isang public beach na malapit sa aking bahay. Grabe, isipin nyo, 10 minuto lang ang beach mula sa aming bahay pero noon lang ako nakapunta. Tapos nasundan pa ulit yon. Hindi kasi nakasama yong isang Pinoy sa company outing namin kaya, nagpunta ulit kami sa beach. This time, sa Dukhan Beach kami nagpunta at puro mga katrabahong Pinoy lang ang kasama namin.


Recently, magaganda rin ang palabas sa sine. Napanood namin ang Golden Compass, Spiderwick Chronicles at Iron Man. Noong last week of April, nag-dinner naman kami sa Intercon dahil birthday ng kaptid ko. Sinubukan namin ang seafood buffet dinner nila sa Lobby Lounge ng Intercon Hotel. Okay naman siya pero kung seafood talaga trip nyo, mas masarap ang seafood buffet sa Fish Market Restaurant ng Intercon Hotel tuwing Biyernes.


Tapos nahihilig din ako sa photography. Sumali kami ng asawa ko sa Doha Pinoy Shooters Club - grupo ng mga Pinoy na mahilig sa photography. Nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon kami ng mga weekend activities kaya parati ring pagod. Wala pa akong alam sa photography, nagsisimula pa lang at na-realize ko, kung gusto ko talaga matuto, kailangan ko siyang pagtuunan ng panahon. Ang photography ay combination ng technical at creative skills. Yong technical side ay kaya ko siguro i-master. Kaya lang, wala akong creativity eh. Pero gusto ko pa rin subukan baka sakali ma-develop :)


So ayon, busy talaga ang lola nyo. Kapag lumabas kami ng weekend, napapagod talaga ako kasi pag-uwi sa bahay kailangan pa rin gawin ang mga weekly household chores. Kaya siguro eto, tinatamad mag-blog. Hopefully makapa update pa rin ako kahit pa-isa-isang entry lang. Kaya si OLDen Ghost, bahala siya sa buhay nya. Kung gusto niya maging miserable, siya na lang. Ako, masaya sa buhay ko at araw-araw nakakatulog ako ng mahimbing lalo na at alam ko na maraming nagmamahal sa akin, wala akong utang at malinis ang konsensya ko.


Kayo, dumarating din ba kayo sa point na ayaw nyo na muna mag-blog?

4 comments:

> Vanny said...

hi! hmmm. ako nanggaling na sa puntong ayaw magblog. pero palagi rin nmng nagpopost. kc more dan 8hrs ako nakaharap sa pc. hehe

nice blog! ^^,

kengkay said...

hay nina, ako ganyan din, minsan natatamad din pero alam mo, yang blog ko kasi ang kausap ko lang talaga e. kaya sa huling tulog, bitaw pa rin ng post kasi nga minsan kakasabik may kakwentuhan di ba? atsaka masarap naman ang adventure mo e, oks lang na mapariwara ka muna sa blogging, hehe. ako nga nung asa pinas hindi ko po na miss ang blogging pramis kasi panay EB ko :D

kengkay said...

oks lang yan esp since marami ka namang kabisihan e. ako nung asa pinas di ko rin namiss ang blogging, kasi naman panay EB ko, hehehe. take your time, atsaka darating at darating din yang makulit na mamang yan. ako parati rin yan andun sa blog ko buti nga at kinakain ni akismet e-

estan said...

siguro, its just one of those days when the spirit is willing but the mind is not. :-)