Google

May 18, 2008

Keyk

Feel ko mag-tagalog ngayon. Saka tungkol ito sa trabaho, baka may silent reader na ka-opisina ko. Gusto ko lang ibahagi ang isang nakakabaliw na umaga.

Ganito kasi yon. Kaarawan ng amo namin bukas. Noong isang linggo, naisip naming mga Pinoy na bumili ng keyk na may larawan ng amo namin. Ayaw ko naman na kami-kaming Pinoy lang ang mag-plano dahil baka isipin nila na sip-sip o ma-epal kami kaya tinanong ko ang mga ka-opisina ko kung gusto nila yong ideya at kung okay lang sa kanila na magbigay ng kaunting kontribusyon pambili ng cake. Karamihan naman ay nagsabing okay lang. Pero may isa na ganito ang sinabi sa akin. Dun ka na lang sa asawa ni R magorder - isang daan (riyal) lang. Akala ko sasabihin nya - masarap. Doon naman talaga kami oorder pero magbabakasyon pala sila kaya hindi pwede. Eto pa, nagreklamo at bakit daw capuccino ang bibilhin ko - hindi naman daw lahat nagkakape. May foint sya kaya mega call ang lola nyo sa pagawaan ng keyk at iba na lang ang inorder. Hindi ko naisip na baka ayaw ng iba ng keyk la lasang kape. Naisip ko rin na base sa komento nya, ayaw nilang magbayad ng mahal na kontribusyon kaya kahit magpalwal ako ng kaunti, kinse lang ang siningil ko.
Ngayong umaga, nagsimula akong mangolekta ng tig-kinse. Palwal na nga ako sa kinse kasi wala pang bente katao ang bilang namin eh mga tatlong daan yong keyk. Tapos may isa ba naman na nagtanong ng ganito: Kailangan ba magbayad kung wala naman ako bukas. Duh? Eto pa yong isa - Bakit kinse sinisingil mo magkano ba yong keyk. Mathematician daw siya kaya compute muna nya. Sabi ko mga dalawang daan ang keyk at sitenta y singko ang larawan na icing. Pag-isipan ba ako na pinagkakitaan ko pa yong keyk. Sumabat ulit yong isa: Hindi naman natin kailangan kainin yong larawan nya. Sa isip ko - dami nyo pang reklamo, kung ayaw nyo magbayad - e di huwag! Ako na lang bibili, magkano lang naman yon. Tutal, palwal na rin ako ng kaunti. Ayaw ko ng ipabago yong order ko noh. Isa pa, matapos namin kasapakatin yong asawa ng amo ko, hindi ko ilalagay yong larawan sa keyk? Ayun, matapos akong bayaran ng kinse - kailangan ko daw i-enhance ang sales skills ko. Wa ko say - kakabaliw!

Sa totoo lang pwede naman akong hindi maningil sa iba at kami-kaming Pinoy na lang ang bumili ng keyk. Ayaw ko lang isipin nila na nagsasarili kami ng plano. Saka, baka maging source pa ng intriga. Ewan ko nga ba bakit naisipan ko pa gawin. Pagkatapos nito, hindi na ulit ako mag-iinitiate ng ganito saka baka wala na rina ko dito.

13 comments:

diwatang_byaning said...

ganun intriguera din pala ang mga kuwaitis? o kung ano man tawag sa mga tao jan hehehe... post ako kasi usapang amo eh bweehehe, medyo naka-relate po ng onto... kala ko kasi ginamalrato ka din ng amo mo =)

Nina Lumberio said...

I'm in Qatar. Pero dito sa opis wala naman kaming empleyado na Qatari. Iba-iba kami dito - represented ang 5 kontinente. Mga puti yong nagrereklamo - sobrang kuripot nila. So far, wala naman masyado intriga dito pero ayaw kong magkaroon.

kengkay said...

hahaha, mga puti minsan kapag super kuripot, kuripot talaga. alam mo nina, kung masaya ka sa ginawa mo dahil deserving ang amo mo sa keyk; ituloy mo. kesyo ano pang sabihin ng iba kasi yung happiness mo at happiness nung amo mo na deserving sa cake ang dapat mong isipin. belat na lang sa mga kuripot na puti, hmp

Nina Lumberio said...

@kengkay
yong mga nagreklamo certified kuripot talaga pero wag ka galante mag tip sa delivery. mabuti pa nga yong mga indiano sa saksak din ng kuripot, nagbigay ng kinse, hindi nagreklamo. Malaking sakripisyo yon kasi mga one week lunch nila yon :) hahahahhahaha....

Eto pa, nagprint kami ng card tapos pinalibot - wala talaga silang warmth. Puro generic yong greetings. Gusto ko pa naman, mag sincere thank you for being supportive a-chu-chu-chu eh hindi ko na nilagay baka masyadong maging corny.

:)next time, ako na lang magba-bake para personalized.

monaco said...

Kakagigil naman yang mga ka opis mo. Sa halaga ba namang kinsa eh ganyan pa ang maririning. mo. Haay, hirap talaga makibagay.

Beng said...

Ma suwerte sila sa yo Nina dahil ang bait mo. Kong ako yon, sinabi ko kaagad sa kanila na ipasak nalang nila ang kinsi sa bandang likod. Hehehe, ang kukunat ano? Ikaw na nga ang lugi pinagdudhan ka pang may tubo sa keyk.

Tama ka nga, neks taym huwag na ikaw mag initiate. Hayaan mo sila then turn mo na ito na ikaw naman ang magliligalig. Pero sa tingin ko mukhang hindi mo ito gagawin dahil super bait mo nga ;).

Tenks a million pala sa mga dalaw mo doon sa munting kubo ko.

Leap of Faith! said...

Hi Nina. Nakakaasar naman yang mga katrabaho mo. Bwisit talaga kapag ikaw na ang nag-isip ikaw pa ang abunado. Di bale, lesson learned na lang ito para next time eh hindi na mauulit. Tayong mga Pinoy kasi talaga ay very generous and thoughful lalo na sa mga birthday. Napansin ko lang ang mga ibang lahi ay hindi masyado.

nina said...

@monaco
bad trip talaga! saka they have no warmth.

@beng
Hayaan ko na lang sila. Basta wag nila ako kukulitin. Kakatawa nga meron isa dito galit na galit yong mga Pinoy kasi kung utusan sila kala mo nag-utos ang amo sa alila. Kaya pag nagtatanong sa kanila, sinasabi nila bakit di mo alam, bakit kaming Pinoy alam namin. Minsan napipikon.

nina said...

@leap,
Yong ibang lahi lalo na yong puti wala talaga warmth. Pero yong mga asians pansin ko warm sila - kahit yong mga locals dito.

Heart of Rachel said...

Nakaka frustate pag ganun. Ikaw na nga may effort magasikaso ng lahat tapos dami pa nila tanong at reklamo. Mga Filipino kasi likas na mapagbigay at sweet pero siguro sa iba di nila ito kaugalian kayo ganun nalang ang reaksyon. Sa isang banda mabuti na din at inalok mo sila. Mas maigi na yun kaysa makarinig ka ba ng kung ano ano pagkatapos kasi di sila nasabihan.

caryn said...

naku nina nakakaloka nga iyan. minsan talaga mahirap ispellengin ang ugali ng ibang tao. kunsabagay kahit sa pilipinas, may ibang tao na kakaiba ang ugali.

masarap ba yung keyk?

Jhay said...

hello, just dropping by, kung bored kayo dalaw kayo sa blog ko you can watch live tv broadcast from manila free just click my name to watch 7 and 2 at the same time. or visit http://www.jhaylogs.blogspot.com

MommyBa said...

kuripot na wala pang warmth! haaaay!

lesson learned na lang ito sa yo. next time, magsarili na lang talaga kayo ng plano. matatawa ka kasi kahit sa ibang bansa, ang mga walang kulay ang mareklamo pero sila rin ang mga inggitero/inggitera pag napupuri na ang gawa natin.

sigurado ako na matutuwa ang amo mo sa ginawa nyong pag-alala.