Google

May 8, 2008

LP - Mahal na Ina

LP - Mahal na Ina

Bukod sa ating mga ina na nag-alaga at nagmamahal sa atin, ang Mahal na Birheng Maria ay itinuturing na Ina ng Sanlibutan. Maraming Pinoy ang deboto ng Mahal na Birhen at naniniwala sa kanyang intercession gaya ko.

Ang litrato sa taas ay ang Grotto ng Our Lady of Lourdes sa France. Dito sa lugar na ito nagpakita ang Mahal na Birhen kay St. Bernadette ng 18 beses. Halos limang milyong pilgrims ang bumibisita dito taon-taon. Noong pumunta kami sa France, pinuntahan talaga namin ang Lourdes upang magdasal kasi pakiramdam ko hindi makukumpleto ang aming bakasyon ng hindi nakakarating sa Lourdes.

Ito ang aking lahok na larawan para sa lingguhang meme na Litratong Pinoy. Kung nais lumahok, bisitahin lamang ang ang Litratong Pinoy.

Translation:

Aside from our mothers who took care and love us, Mother Mary is also the mother of mankind. Many Filipinos are devotees of Virgin Mary and like me, they believe in her intercession.

The photo above is the Grotto of Our Lady of Lourdes in France. This is where Mary appeared to St. Bernadette 18 times. Every year about five million pilgrims visit the Grotto. When we went to France, I made sure we went to Lourdes because I feel that our vacation wouldn't be complete without visiting the Grotto.

This is my photo entry for the weekly meme Litratong Pinoy. If you want to join, visit Litratong Pinoy site.

12 comments:

meeya said...

isa ang lourdes sa mga gusto kong mapuntahan someday. :)

Meeya's Memes: LP Mga Mahal na Ina
Meeya's Finds: LP Mahal na Ina

MommyBa said...

Nabisita na rin ng aking mga magulang ang Grotto na ito. Isa ito sa mga gusto kong puntahan kung ako ay mapunta ng France.

Simple lang ang Grotto pero sa litrato pa lang, merong kakaibang pakiramdam pag nakikita mo sya. Napanatag ang loob ko at nag-alay ng munting dasal pagkatapos ko basahin ang sinulat mo.

Happy weekend!

lidsÜ said...

haaay... gusto ko talagang mabisita ang Lourdes... balang araw... balang araw...
magandang araw sa'yo!

Em Dy said...

Gusto kong makapunta dyan balang araw! Mabuhay!

Dyes said...

kahit hindi ako katoliko, gusto ring makapunta dyan. actually, kahit saang sulok ng france, gusto kong puntahan :) hehehe

Clicking Away said...

Nina, naku, gusto ko rin mapuntahan yan isang araw... pinagpala ka talaga.

Pinky said...

Kasama sa "wish list" ko ang Lourdes. Sana ay mabiyayaan kaming mag-asawa makabisita diyan balang araw. :)

Happy Friday to you, Nina!

kengkay said...

i was just thinking i wanted to visit Our Lady in Lourdes. ilang beses na kaming pabalik balik ng france pero hindi pa kami nakakarating dyan... i hope soon. pero dun sa grotto sa pinas, every year kapag holy week present kami. happy mother's day!

Heart of Rachel said...

Narinig ko na ang tungkol sa grotto na 'to. Malapit ang damdamin ko kay Birheng Maria. Sa kanya ako lumalapit pag nangangailangan ako ng patnubay.

Salamat sa pagpasyal sa blog ko. Pasensya na at medyo busy lang ako. Babawi nalang ako sa mga susunod na araw.

Peko-peko said...

someday i want to go there too :-)

caryn said...

wow! that's a lovely photograph! very contemplative. i want to go there too!

thess said...

Naalala ko tuloy lola ko (rip) na deboto sa Mahal na Ina...

hi ina!