Google

May 28, 2008

LP- Mahangin


Medyo nahirapan ako sa tema ng ating LP ngayong linggong ito. Pero siyempre may lahok pa rin akong larawan.

LP - Mahangin


Mahangin sa labas, halata naman di ba? Ito ay kuha sa disyerto ng Qatar noong kami ay nag sand dunes bashing. Kasama ko rito si Walter, ang aking mga kapatid at aking Tito. Mahangin noong araw na iyon na lalong nakapagpalamig ng temperatura.

Ito ang aking lahok na larawan para sa lingguhang meme na Litratong Pinoy. Kung nais lumahok, bisitahin lamang ang ang Litratong Pinoy.

It's a windy day, very obvious ins't it? This photo was taken during a sand dunes bashing trip in the Qatari desert. Walter, my two brothers and my uncle are with me. As the wind blows, the temperature gets cooler ak.a wind-chill effect.

This is my entry for the weekly meme Litratong Pinoy. If you want to join, visit Litratong Pinoy site.

29 comments:

mirage2g said...

Kitang kita nga sa paglipad ng buhok! buti kahit mahangin ang mga buhangin a hindi nililipad...

Gandang LP!

thess said...

Hi Nina! Mukhang mahangin nga talaga ng araw na yan. Palagay ko masakit mapuwing ng buhangin! Ano nga pala ang temperature na 'malamig' dyan?

happy LP!

Pinky said...

I'd love to try sand dunes bashing... what exactly is it anyway? ;) Pardon my ignorance ha but I saw an ad for it while in Dubai but never had the chance to ask about it further.

Happy Thursday, Nina!

Linnor said...

Nakakatuwa naman. Hair mo lang ang hinangin ng todo :) Parang di ko ma-imagine ang disyertong malamig na nakikita ko sa contrast sa pic mo.

ces said...

ay talagang mahangin sa labas! pero maganda pa rin ang buhok mo:")katakot daw yan sand dunes bashing na iyan ha...

betchay said...

malamig din pala diyan... kala ko laging mainit... ganda ng mga tao sa litrato...

lidsÜ said...

ang galing! gusto ko rin mapuntahan yan!
magandang huwebes sa'yo!

lino said...

nice... happy huwebes... :)

ettey said...

mahangin nga :) ganda ng buhangin ha!

Buge said...

Mahangin nga sa labas! Haha! Pero okay lang, carry pa din. Hindi naman ganon kagulo ang mga buhok!

Magandang Huwebes sa yo kaibigan! :)

Dyes said...

mukha ngang mahangin dyan sa desyerto :)

happy hwebes!

komski said...

Mukha nga talaga:D Parang ang saya ng dune bashing na yan ah:D

julie said...

Nina, ang ganda naman diyan, sand dunes. Alam mo isang pangarap na lugar na gusto kong marating ay ang The Singing Sand Dunes sa Morocco :)

Magandang araw sa iyo :)

marie said...

Kita ko ang ihip ng hangin sa hair mo. Ang asawa't mga anak ko tinatanong ako lagi kung may hangin ba sa labas everytime hindi ayos ang buhok ko. Tukso nila sakin yun.

toni said...

Ikaw ba ay agad na nagsuklay pagkakuha nito? Hehe. Malamang yun ang aking gagawin! At hindi ba't nahahangin din ang buhangin? Buti nalang hindi ito nakapapahamak sa inyo. :) Ang gaganda pa naman ng iyong mga ngiti.

Maligayang LP!

ScroochChronicles said...

sinong mag-aakala na malamig pala sa disyerto?!? ang ganda naman dyan!!

maligayang LP!!

http://scroochchronicles.blogspot.com/

Belen said...

Ok. desyertong desyerto talaga ang setting

Nina Lumberio said...

@mirage2g
Kapag ang buhangin ay nilipad- tawag doon ay sands storm :) Mahirap abutin ng sandstorm sa disyerto at naranasan na namin nung kami ay napicnic nong Febraury.

@Thess
Dati, noong inabot kami ng sandstorm sa desert, nagka allergic conjunctivitis kami ng asawa ko. Kaya ngayon lagi akong may dalang safety glasses, nakaka-gasgas ng cornea ang buhangin. At talagang nag-iingat ako dahil nag-undergo na ako na ako LASIK surgery.

Kapag winter inaabot ng 10degC ang temperature dito sa Middle East pero may mga panahon na malamig talaga at bumababa ng 7deg C ang temperatura.

@Pinky
Actually ang sand dunes bashing o tinatawag na desert safari ay ang pagda-drive sa desert gamit ang 4x4. Exciting ito lalo na kung maraming tricks ang driver pero delikado din dahil posibleng mag-roll over ang 4x4 kaya kailangan bihasa ang driver. Malaking tourist attraction ito lalo na sa Dubai pero sa Australia at Amerika, bawal ito.

@Linnor
Alam mo noong napunta lang ako dito doon ko nalaman na malamig din pala ang winter nila.

@ces
OO, medyo nakakatakot kaya kailangan magaling ang driver. Yong first experience ko ng sand dunes bashing sa dubai, kinabukasan na nahihilo pa rin ako.

@betchay
Salamat.

@Julie
May singing dunes din dito sa Qatar. Nagpunta nga kami noong February at may post ako tungkol dun.

@Marie
Famous line yon sa isang commercial di ba?

@Toni
Makakapagsuklay ka lang kung ika'y nasa sasakyan na kasi mahangin talaga :) Kapag ang hangin ay may kasamang buhangin - sandstorm na ang tawag doon at nakakagasgas ng cornea ang buhangin kapag napunta sa mata.

christine said...

gusto ko din yan masubukan! meron din daw dito sa queensland.. sana someday! :)

happy thursday!

caryn said...

nina! ang galeng, bakit parang ikaw lang ang hinahangin? hahaha! nice pic! dinig ko masaya ang sand dunes bashing.

Ambo said...

wow kakainggit namana ang kuhang ito. magaling ms. nina. keep up!

mirage2g said...

Nina, yun nga, di ko kasi alam ang tagalog ng sandstorm hehe...

Heart of Rachel said...

Ang ganda na kuha ninyo. Siguradong masaya yang sand dunes bashing na yan. Sana maransan din ko yan bilang araw.

kengkay said...

hay, parang ang sarap maligo sa sand, hahaha

Ferdz said...

Kitang kita nga. mahangin sa labas

MommyBa said...

mahangin talaga sa labas!!! perfect ang litratong ito para sa tema!!!

happy weekend!

Clicking Away said...

Hi Ninna. Mukhang enjoy diyan sa mga sand dunes. Meron din yan dito sa amin kaso natatakot ako mag "sand bashing" kasi one time na stuck yung kotse namin sa buhangin at hindi ko maalis. Buti na lang may tow truck na dumaan. I vowed never again...

Beng said...

wow! pasali namannnn. gusto ko ring masubukang mag desert safari.

meeya said...

hi nina, talagang naiiba ang aking pananaw tungkol sa disyerto. ang imahe kasi nito sa akin ay mainit lang. pero dahil dito sa litrato mo na naka-jacket pa kayo, nag-iiba talaga ang aking perspective. :)

mukhang mahangin nga sa labas, hehe! happy lp!