Google

May 21, 2008

LP - Tubig


Ayon sa Tagalog Wikipedia:

Ang ilog ay isang malaking likas na daanang tubig. Maaaring pinagkukunan nito ang isang lawa, isang bukal o pagtitipon ng maliit na mga batis, kilala bilang agos. Mula sa pinagkukunan, dumadaloy pababa ng isang burol ang lahat ng mga ilog, na kadalasang tumitigil sa mga karagatan.


Ang Loreley sa Rhine River

Ang aking lahok na larawan para sa linggong ito ay kuha noong kami ay naglayag sa Rhine River sa Germany. Ang Rhine River ang ang pinakamahabang ilog sa Germany at isa sa pinakamahaba at pinakaimportanteng ilog sa Europa. Ito at may habang 1,300 kilometro na dumadaloy mula sa Swiss Alps patungong North Sea.

Ang kuha sa taas ay parte ng Upper Middle Rhine Valley or mas kilala sa tawag na Rhine Gorge. Ang Rhine Gorge ay ang 65-kilometrong section ng Rhine sa pagitan ng Koblenz at Bingen sa Germany na kabilang sa UNESCO list of World Heritage simula pa noong June 2002. Matatagpuan ang maraming castles at vineyards sa parteng ito ng Rhine. Ang pagkakaroon nito maraming castles ay patunay na ang Rhine River ay isang mahalagang waterway. Ang Loreley Rock naman ay isa ring popular na landmark sa Rhine River na may taas na 120 metro. Ang lugar ding ito ang pinaka-makipot na parte ng Rhine River.

Ito ang aking lahok na larawan para sa lingguhang meme na Litratong Pinoy. Kung nais lumahok, bisitahin lamang ang ang Litratong Pinoy.

7 comments:

Ambo said...

Wow thanks for sharing Ms. Nina. Nice photo!

http://www.ambothology.com/davao-city-whitewater-rafting

kengkay said...

alam mo yung story ni loreley? yung sirena o minsan e magandang babae na may mahabang buhok na kumakanta ng hele para sa mga mangingisda? dyan daw sya nakaupo sa loreley rock na yan :D was there, too, during my honeymoon!

ces said...

mabuti at may bago akong natutunan ngayon, salamat!

Heart of Rachel said...

Salamat sa pagbahagi mo ng litrato at mga detalyo tungkol sa ilog na 'to. Maganda ang background. Parang nagiiba't iba ang kulay ng background sa paligid.

kiwipino said...

the rhine always reminds me of ww2 - i dunno why..

Munchkin Mommy said...

hi nina. nakita ko na ang rhine river pero hindi naman ako nakapaglayag dito. hehehe. :) dahil sa litrato mo, para na rin akong nakapamangka dito. :D

Teys said...

sarap naman ng iyong paglalayag, ngayon ko lang din napansin na ikaw ay isang environmental consultant, ang aking asawa ay nasa larangan na may kinalaman sa climate change at global warming.


gandang LP Nina!