Google

May 14, 2008

Poll

Sa iyong palagay, ano ang ibig sabihin kapag ang lalake ay nagtetext ng "I Love You" at "I Miss You" sa malapit na kaibigang lalake? Ito ba ay isang acceptable na biro? Ito ba ay maaaring may malisya o wala? Ito ba ay tanda lang ng pagiging matalik na magkaibigan? May iba ba itong ibig sabihin? Mga tapat at prangkang sagot lamang po. Maraming Salamat!

6 comments:

mirage2g said...

Ayon sa aking asawa, ito ay biruan lamang, iyan ay sagot nya matapos kong makita sa phone nya ang pagtetext ng ganyan sa isang babae. Sabi nya ay ginagawa nya din iyon sa kanyang mga kaibigang lalaki...dahil wala iyong ibig sabihin kundi biruan lamang...nye!!! =D

Bahala ka na manimbang....

Kenji said...

I always say to my best and closest friends, Love you, man. Pero bihira lang. as in bihira lang even in text messages. Pero the way it is being said and the way it is being conveyed can be recognizable naman. Hehe. Baka sobrang gandang lalaki ng guy, nababading ang friend na guy?

Buge said...

Naalala ko dati ay nagsasabihan kami ng aking best friend na lalaki ng "I love you" at "I miss you" pero nung minsang nagkagalit kami ay sumulat ako sa kanya at nung sinabi kong "I love you" ay biglang nag-iba ang ibig sabihin nito sa kanya. simula non ay hindi na kami nagsasabihan non. "Ingat ka" yun na lang daw and sabihin namin para hindi iba ang maisip ngunit parang ganon na din ang kahulugan.

Pero meron akong isang grupo ng kaibigan na lahat kami nagsasabihan ng "I love you" hanggang ngayon :)

Heart of Rachel said...

Parang bihira ata pag guy nag text ng ganyan sa kapwa guy pero pwede naman kung biruan lang.

~ n i n e t t e ~ said...

Nina,

bakit, may nakita ka ba na text? hehehe.

depende siguro sa edad ng mga lalaki. yung kasing mga pamangkin ko at mga friends nila, minsan nakikita ko ganun. Pero these are 7 to 8 year old kids.

kung medyo teen-agers or adolescent, naiisip ko baka kaya ine-explore ang other side ng sexuality?

kung age range naman natin (20s hehehe), baka nga nag-aasaran lang. Agree ako dun sa binibiro nung texter yun textee kasi may nakita/nalaman na text from a girl.

Dyes said...

hi nina!

maaaring nang-aasar lang yung nag-text. or, maaari rin naman na me nangyari dun sa texter na masyadong emosyonal at naandun yung textee sa kanyang tabi.

at any rate, parang bihira ata sa mga lalaki na mag-text ng ganun sa kapwa lalaki, unless nang-aasar! parang mahirap sa mga lalaki na magsabing gwapo ang ibang lalaki kasi hindi naman nila talaga tinitingnan. pero, dahil sa may mga metrosexual na, baka nag-iba na rin ang ihip ng panahon.

basta, isa lang ang masasabi ko, isasama kita sa aking blogroll!