Google

June 13, 2008

LP - Kalayaan


Huli man daw ay naihahabol din. Ipinagdiwang ng mga Filipino Community sa Doha, Qatar ang 110th Independence Day sa pangunguna ni Ambassador Isaias Begonia. Nagkaroon ng motorcade, alay-lakad at iba't-ibang programa. Sa pangunguna rin ni Ambasador Begonia, nagpalipad ng 110 piraso ng lobo na kulay asul, pula at puti (mga kulay ng watawat ng Pilipinas). Ang pagpapalipad ng lobo ay siyang nagsibulo sa KALAYAAN. Hindi ba't ang paglipad ay laging inihahalintulad sa kalayaan?


LP - Kalayaan1



LP - Kalayaan2



LP - Kalayaan3



LP - Kalayaan4

Sa totoo lang, ngayon lang kami nakapag-particpate sa Independence Day celebration sa Qatar at ito ay dahil kasapi kami ng asawa ko sa Doha Pinoy Shooters Club na siyang Official Photographer ng pagdiriwang. Pero wag nyo masyado okrayin ang pictures ko bago pa lang kasi ako sa pagkuha ng litrato at pinag-aaralan ko pa lang ang DSLR camera na minana ko sa asawa ko (bumili kasi siya ng bago).

Ito ang aking lahok na larawan para sa lingguhang meme na Litratong Pinoy. Kung nais lumahok, bisitahin lamang ang ang Litratong Pinoy.

9 comments:

Belen said...

mabuti naman nakapagcelebrate kayo dyan. At cute ang mga lobo at colorful. Touch ako a. Dito sa pinas hindi naramdaman kasi inurong ni Gloria na June 9. hehehe weird talaga noh?

Clicking Away said...

Nina, ang ganda naman ng mga lobong iyan. Ang saya at nakasali ka rin sa celebration diyan sa Doha. Sana mag post ka pa ng iba pang mga pictures.

Maligayang LP.

@-->---- said...

wow! buti pa jan sa qatar nag-celebrate ng independence day. dito sa manila, kung meron man, hindi namin namalayan. nakakalungkot ano?

kengkay said...

meron kaya din dito sa alemanya? parang wala pa akong narinig na ganyang celebration. am sure meron sa next year nga makipag celebrate din ako

pinoykritik said...

Nakakatuwang isipin at malaman na mga Embahada natin sa ibang bansa ay nagdidiwang ng ating "Araw ng Kalayaan" sa ibang bansa. Sana makita natin din itong mga pagdiriwang na ito para magunita ng ating mga OFW ang Araw ng Kalayaan

pinoykritik
www.pinoykritik.com
making constructive criticism this 2008 --

maLen said...

wow! nice nice shots. very very alive! love the colors. ang ganda ng camera mo 'day! as in!!! keep it up!

mirage2g said...

nina, nahuli ako sa pagcomment, ang gaganda ng kulay ng litrato mo at totoong kalayaan ang pinapahiwatig nyan.

Natuwa ako sa adsense mo, pangalan mo din ang nasa ads, as nina ricci, sikat naman!

Ferdz said...

Yan ang maganda sa mga celebration. Makulay! Happy 110 Qatar independence

Heart of Rachel said...

I'm glad to know you had your own way of celebrating Independence Day. I love the idea of freeing balloons in the air to symbolize freedom. It's a beautiful sight.