Google

November 28, 2008

Happy Thanksgiving!


Photo Credit: SmasHits

November 27, 2008

LP - Ang Pagwawagi





Ang larawan sa taas ay kuha ng aking asawa noong nakaraang WTA Sony Ericsson Championship kung saan nag-champion si Venus Williams. Waging-wagi ang pagtira nya di ba?
Sa bawat paligsahan o laro mayroong nagwawagi at mayroong natatalo. Siyempre gusto natin ay magwagi ngunit hindi sa lahat ng oras ay ito ang nangyayari kaya kailangan ay marunong din tayo tumanggap ng pagkatalo. At kung tayo naman ay wagi, kailangan ay maging mapagpakumbaba tayo. Kailan ka huling lumaban sa isang paligsahan? Nagwagi ka ba o natalo?
Bisitahin ang iba pang miyembro ng Litratong Pinoy.

November 19, 2008

LP - Marumi

LP - Madumi

Ang araw ng Huwebes ay lagi kong hinihintay. Bukod sa Litratong Pinoy, ito rin ang huling araw na may pasok. Kadalasan, ito ang araw ng paglalaba ng maruming damit na naipon sa buong linggo para pagdating ng Biyernes ay sitting pretty na. Sa Pinas, hindi ko iniintindi ang paglalaba dahil may gumagawa nito para sa akin. Pero dito sa Qatar, walang ibang aasahan kundi sarili ko.
Maarte ako maglaba - hiwalay ang puti, dekolor at yong light colors. Hiwalay din ang maong at makapal na tela at yong mga maselan at delikadong tela. Alam nyo ba na ang mga simbolo (washing instructions) na karaniwang makikita sa etiketa ng damit ay importanteng sundin upang mapangalagaan at magtagal ang mga damit? Gumagamit din ako ng fabric conditioner para malambot ang damit pagkatapos labhan at ang mga blusa ko kailangan may starch spray (depende sa tela) kapag pinlantsa. Kayo, meron ba kayong washing tips na pwedeng ibahagi?
Bisitahin ang iba pang miyembro ng Litratong Pinoy.

November 13, 2008

LP - Kinagisnan


Muli, nahirapan akong humanap ng lahok para sa linggong ito dahil ang mga bagay na kinagisnan ko ay nasa Pilipinas. Buti na lang may nakunan pala akong larawan noong nakaraang bakasyon ko noong Hulyo.


LP - Kinagisnan


Ito ay isang kumpol ng makopa ngunit hindi pa mapula. Noong maliit ako, maraming mga puno ang kinagisnan ko sa bakuran ng aking lolo at lola. May makopa, bayabas, suha, atis, balimbing, caimito, langka, granada, niyog, sampaloc, duhat, anunas, mangga at iba pa. Ngunit karamihan sa mga ito ay pinutol na. Matatanda na kasi at yong iba ay sobrang laki na. Tapos yong iba naman pinutol na dahil inerereklamo ng mga kapitbahay ang mga tuyong dahon o mga sanga na lumalampas sa aming bakod. Naalala ko pa, lagi kami umaakyat sa puno upang mamitas ng bunga o kaya gumagamit kami ng sungkit (ito yong pangkuha ng bunga na may mahabang tatangnan at may net na pangsapo sa bunga). Minsan, kahit mura pa ay pinipitas na namin ang bunga kaya napapagalitan kami.

Ako mas gusto ko ang mga prutas na matatagpuan sa Pilipinas lalo na ang lanzones at sinigwelas. Kayo, ano ang paborito nyong prutas?

Bisitahin ang iba pang miyembro ng Litratong Pinoy.

Be Secret Santa to Your Loved-ones in the Philippines

Delifrance Free Goodies

Got this info from Anton of OAP. This Christmas, Delifrance allows you to give FREE goodies and treats to as many friends and loved ones between November 10 to December 7, 2008. This is a great way to send gifts to our loved-ones back home. Just visit mysecretsanta08.com and start sending your gifts to your friends and loved ones. I already did!

November 12, 2008

Quotes by Bob Ong

My friend sent me some quotes by Bob Ong thru e-mail. They were really funny but very true. Bob Ong is a Filipino contemporary author who uses conversational Filipino in his writings. It's not his real name and so far his identity remains anonymous up to now. He has published six books including:

  • ABNKKBSNPLKo!
  • Bakit Baligtad Magbasa ng Libro Ang Mga Pilipino?
  • Ang Paboritong Libro ni Hudas
  • Alamat ng Gubat
  • Stainless Longganisa
  • Macarthur

I have read ABNKKBSNPLKo at Bakit Baligtad Magbasa ng Libro Ang Mga Pilipino but that was ages ago. I can't remember anymore what the book is all about. On my next vacation, I'll bring those two books here and buy the other books also. And the quotes...

PAG-IBIG

"Kung hindi mo mahal and isang tao, wag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka nya."

"Lahat naman ng tao sumeseryoso pag tinamaan ng pagmamahal. Yun nga lang, hindi lahat matibay para sa temptasyon."

"Gamitin ang puso para alagaan ang taong malapit sayo. Gamitin ang utak para alagaan ang sarili mo."

"Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawak ng iba."

"Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang."

"Huwag na huwag ka hahawak kapag alam mong may hawak ka na."

"Parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan ung sarili mo kung walang pwesto para sayo. Eh meron naman hagdan, ayaw mo lang pansinin."

"Kung maghihintay ka nang lalandi sayo, walang mangyayari sa buhay mo. Dapat lumandi ka din."

"Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo. Malay mo sa mga susunod na araw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang."

"Hiwalayan na kung di ka na masaya. Walang gamot sa tanga kundi pagkukusa."

"Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. Kasi may mga tao rin na di mo mahal pero mahal ka.. Kaya quits lang."

"Bakit ba ayaw matulog ng mga bata sa tanghali? alam ba nilang pag natuto silang umibig e hindi na sila makakatulog kahit gusto nila?"

"Hindi lungkot o takot ang mahirap sa pag-iisa kundi ang pagtanggap na sa bilyon-bilyong tao sa mundo, wala man lang nakipaglaban upang makasama ka."

"Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lang yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo!"

PAG-AARAL

"Mag-aral maigi. Kung titigil ka sa pag-aaral, manghihinayang ka pagtanda mo dahil hindi mo naranasan ang kakaibang ligayang dulot ng mga araw na walang pasok o suspendido ang klase o absent ang teacher. (Haaay, sarap!)."

"Nalaman kong marami palang libreng lecture sa mundo, ikaw ang gagawa ng syllabus. Maraming teacher sa labas ng skuwelahan, desisyon mo kung kanino ka magpapaturo. Lahat tayo enrolled ngayon sa isang university, maraming subject na mahirap, pero dahil libre, ikaw ang talo kung nag-drop ka. Isa-isa tayong ga-graduate, iba't-ibang paraan. tanging diploma ay ang mga alaala ng kung ano mang tulong o pagmamahal ang iniwan natin sa mundong pinangarap nating baguhin minsan..."

"Hikayatin mo lahat ng kakilala mo na magkaroon ng kahit isa man lang paboritong libro sa buhay nila. Dahil wala nang mas kawawa pa sa mga taong literado pero hindi nagbabasa."

"dalawang dekada ka lang mag-aaral. kung 'di mo pagtityagaan, limang dekada ng kahirapan ang kapalit. sobrang lugi. kung alam lang 'yan ng mga kabataan, sa pananaw ko ehh walang gugustuhing umiwas sa eskwela."

BUHAY (IN GENERAL)

"Nalaman kong hindi final exam ang passing rate ng buhay. Hindi ito multiple choice, identification, true or false, enumeration or fill-in-the-blanks na sinasagutan kundi essay na isinusulat araw-araw. Huhusgahan ito hindi base sa kung tama o mali ang sagot, kundi base sa kung may kabuluhan ang mga isinulat o wala. Allowed ang erasures."

"Kumain ka na ng siopao na may palamang pusa o maglakad sa bubog nang nakayapak, pero wag na wag kang susubok mag-drugs. Kung hindi mo kayang umiwas, humingi ka ng tulong sa mga magulang mo dahil alam nila kung saan ang mga murang supplier at hindi ka nila iisahan."

"Mangarap ka at abutin mo. Wag mong sisihin ang sira mong pamilya, palpak mong syota, pilay mong tuta, o mga lumilipad na ipis. Kung may pagkukulang sa'yo mga magulang mo, pwde kang manisi at maging rebelde. Tumigil ka sa pag-aaral, mag-asawa ka, mag-drugs ka, magpakulay ka ng buhok sa kili-kili. Sa banding huli, ikaw din ang biktima. Rebeldeng walang napatunayan at bait sa sarili."

"Tuparin ang mga pangarap. Obligasyon mo yan sa sarili mo. Kung gusto mo mang kumain ng balde-baldeng lupa para malagay ka sa Guinness Book of World Records at maipagmalaki ng bansa natin, sige lang. Nosi balasi. wag mong pansinin ang sasabihin ng mga taong susubok humarang sa'yo. Kung hindi nagsumikap ang mga scientist noon, hindi pa rin tayo dapat nakatira sa jupiter ngayon. Pero hindi pa rin naman talaga tayo nakatira sa Jupiter dahil nga hindi nagsumikap ang mga scientist noon. Kita mo yung moral lesson?"

"Nalaman kong habang lumalaki ka, maraming beses kang madadapa. Bumangon ka man ulit o hindi, magpapatuloy ang buhay, iikot ang mundo, at mauubos ang oras."

HALO-HALO

"Wag magmadali sa pag-aasawa. Tatlo, lima , sampung taon sa hinaharap, mag-iiba pa ang pamantayan mo at maiisip mong di pala tamang pumili ng kapareha dahil lang sa kaboses niya si Debbie Gibson o magaling mag-breakdance. Totoong mas importante ang kalooban ng tao higit anuman. Sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan sa eskwelahan e nagmumukha ring pandesal. Maniwala ka."

"Ayokong nasasanay sa mga bagay na pwede namang wala sa buhay ko."

"Hinahanap mo nga ba ako o ang kawalan ko?"

"Hindi dahil sa hindi mo naiintindihan ang isang bagay ay kasinungalingan na ito. at hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohanan. "

"Sabi nila, sa kahit ano raw problema, isang tao lang ang makakatulong sa'yo - ang sarili mo. Tama sila. Isinuplong ako ng sarili ko. Kaya siguro namigay ng konsyensya ang Diyos, alam niyang hindi sa lahat ng oras e gumagana ang utak ng tao."

"Obligasyon kong maglayag, karapatan kong pumunta sa kung saan ko gusto, responsibilidad ko ang buhay ko."

"Masama akong tao, tulad mo, sa parehong paraan na mabuti kang tao, tulad ko."

"Mas mabuting mabigo sa paggawa ng isang bagay kesa magtagumpay sa paggawa ng wala."

"Iba ang walang ginagawa sa gumagawa ng wala."

"Iba ang informal gramar sa mali !!!"

" Para san ba ang cellphone na may camera? Kung kailangan sa buhay un, dapat matagal na kong patay."

"Pare, isa kang totoong tao at walang halong kasinungalingan. In English, FACT you, pare. Totoo ka. In English, FACT you!"

November 11, 2008

Today is not my day...

Today is not a very good day...

Missed Appointment
I was so upset I missed an appointment this morning. I was supposed to attend a safety training at 8 AM at client's plant located 80 kilometers from Doha. At normal speed, it's about one hour travel from our office and additional 15 to 20 minutes for validating the gate pass at the main security office and securing visitors pass at the plant site. Unfortunately, I was caught in a very heavy traffic on my way to our office - almost not moving at all. It was terrible...horrible... Inside my car, I was so frustrated/upset/annoyed/irritated/helpless. It didn't help that my fuel indicator is already lighted. I can't believe it took me an hour to reach our office to pick-up my colleagues - a travel that usually takes less than 30 minutes or about 15 minutes during not so busy days.

The heavy traffic I experienced is unusual but when I talk to my colleagues they told me that the traffic situation had really gone worse after Ramadan. Apparently, if I have an 8 AM appointment at a client site, I have to get out of Doha before 6:30 AM, otherwise I won't make it on time. I wasn't aware of that because I usually leave home at 8 AM during regular work day and a few months ago, the traffic situation is not as bad. I wonder how much worse it's going to be in the coming months. I hope the government will do something about it!

So what do you do when stuck in a heavy traffic?

Exchage Rate
I passby the money exchange before heading home. Now, it's only QR 4.58 Riyal to Euro compared to QR 5.60 Riyal to Euro when I went to Europe during the Eid. That means, I lost about 20 Euros for every 100 Euros I exchanged last September. I could have bought a lot of souvenirs with that money. Sayang naman diba? Hmpt!

Scary
Tatagalugin ko kasi medyo maselan sya. Ayaw ko nga sana i-blog kaya lang hindi rin ako mapakali. Wala pa naman masyadong impormasyon. Pero kanina tumawag yong asawa ng kaopisina ko. 'Merkana ofismate ko galing sa ofis namin sa Merika, yong asawa nya taga doon sa bandang timog ng Espanya pero may grin card na kasi nga 'Merkana ang ofismate ko. Ngayon, natanggap ang asawa nya sa isang iskwelahan dito bilang taga-payo. Kaya ayun lumipat sila dito. Bago lang sila, ilang buwan pa lang. Kanina tinawagan daw ng awtoridad yong asawa ni Merkana tapos ang sabi daw papalayasin na sya dito. Wala pang impormasyon kung bakit at ano nangyari at kung mapapalayas ba talaga sya. Pero dito possible kang palayasin ng walang dahilan. Sa totoo lang bigla akong natakot. Pano na lang kung bigla kaming mapalayas dito? Bigla ko rin naisip yong blog ko. Baka mamaya hulihin ako dahil sa blog ko. Ang daming bagay naglaro sa isip ko. Katakot ayaw ko na isipin...

November 5, 2008

LP - Maalaala mo kaya?


Sa totoo lang medyo nahirapan akong humanap ng lahok para sa linggong ito. Nasa Pilipinas kasi yong mga bagay na pwede kong ilahok o kahit mga lumang larawan. Maswerte at may luma pala akong litrato na ginamit sa aming wedding video.


LP - Maalaala mo kaya?


Bago ang lahat, naaalala nyo ba noong araw, ang mga camera na rectangle tapos ang film nya 110 ang size? Sa pagkakatanda ko kuha ang litratong ito mula sa camera na 110 ang film. Napansin nyo ba yong teleponong pula? Laruan ko yan. Noong araw wala pa kaming telepono sa probinsya kaya binilhan akong laruan ng papa ko. Di ba katulad sya ng mga lumang telepono na kulay itim? Noong college ako (1994), ang telephone ng landlady ko ay yong kulay itim pa rin, tapos 6 digits lang ang telephone number. Kapag busy ang tinatawagan mo, mapupudpod ang daliri mo sa kaka-dial. At wag ka may party line pa. Hehehehehe. Natatandaan nyo ba yong lumang public phone na kulay pula? Yong kailangan ng tatlong bente singko para gumana? Pero di ko na inabutan yon. Noong college ako bago na ang pay phone - ang kailangan naman ay dalawang piso. May dalawang pisong buo pa noon - yong may niyog. Di ko na masyado matandaan hexagon ata yong hugis o octagon. Tapos nauso yong cell phone na saksakan ng laki - yong analog. Mahal pa magka cellphone noon at kapag meron ka noon, aba eh sikat ka. Pero kung meron ka non ngayon eh baka lumubog ka sa kahihiyan :)
Yong isang bagay naman sa likod ko ay yong stereo - galing Saudi. OFW kasi papa ko. Pero siyempre ang stereo noon eh may casette tape player, amplifier at malalaking speakers. Tapos may counter - para kapag nagrerewind ka alam mo kung saan hihinto ang favorite song mo. Uso din yong maliliit na casette player noon. Nauso nga yong may bitbit na casette noon tapos bigla na lang magbre-break dance in public.
Hay ang daming memories. Nakakatuwa maalala. Lalo na kung bata ka noong 80s at teens noong 90s. Ibang-iba na ang mga uso noon at ngayon. Kayo anong naaalala nyo noong 80s and 90s?
Bisitahin ang iba pang miyembro ng Litratong Pinoy.