Google

November 13, 2008

LP - Kinagisnan


Muli, nahirapan akong humanap ng lahok para sa linggong ito dahil ang mga bagay na kinagisnan ko ay nasa Pilipinas. Buti na lang may nakunan pala akong larawan noong nakaraang bakasyon ko noong Hulyo.


LP - Kinagisnan


Ito ay isang kumpol ng makopa ngunit hindi pa mapula. Noong maliit ako, maraming mga puno ang kinagisnan ko sa bakuran ng aking lolo at lola. May makopa, bayabas, suha, atis, balimbing, caimito, langka, granada, niyog, sampaloc, duhat, anunas, mangga at iba pa. Ngunit karamihan sa mga ito ay pinutol na. Matatanda na kasi at yong iba ay sobrang laki na. Tapos yong iba naman pinutol na dahil inerereklamo ng mga kapitbahay ang mga tuyong dahon o mga sanga na lumalampas sa aming bakod. Naalala ko pa, lagi kami umaakyat sa puno upang mamitas ng bunga o kaya gumagamit kami ng sungkit (ito yong pangkuha ng bunga na may mahabang tatangnan at may net na pangsapo sa bunga). Minsan, kahit mura pa ay pinipitas na namin ang bunga kaya napapagalitan kami.

Ako mas gusto ko ang mga prutas na matatagpuan sa Pilipinas lalo na ang lanzones at sinigwelas. Kayo, ano ang paborito nyong prutas?

Bisitahin ang iba pang miyembro ng Litratong Pinoy.

17 comments:

reyna elena said...

omg!!! i remember all these macopa! as in once i saw the pic barrio siete agad ang nasa utak ko! hahaha! love it!

Nina said...

kakatuwa noh... yong puno na yan kinagisnan ko na yan hanggang ngayon buhay pa at nagbubuga pa rin.

Marites said...

naalala ko tuloy ang lola at lolo ko. Kasi, may macopa din sila sa harap ng kanilang bahay at lagi naming binabato kahit hilaw pa heheheeh! lagi tuloy kaming mapagalitan:)

thess said...

Buti na lang nakatago sa fils mo ang pic ng makopa ha ha! Nahirapan din ako dahil gaya mo, nasa labas ng Pinas.

Mangga ang paborito ko, lalo na kapag matamis na matamis!

Have a great weekend, Nina!

orieflor said...

meron kaming puno nyan nuong maliit pa ko...inaakyat rin namin ng mga pinsan...kaso binagyo, d ngtagal, nalanta at namatay...sayang! ang pupula at tamis pa naman ng mga bunga...

pining said...

ang paborito ko ay pinya :-)
naalala ko tuloy, may puno kami ng makopa sa likod bahay, ang lalaki kaya lang ang tabang :-(
happy weekend sa'yo!

Heart of Rachel said...

I remember eating macopa when I was young. Our neighbor had a tree and he always allowed us to make "sungkit". :) Thanks for bringing back happy memories.

salingPUSA said...

thanks for commenting in my blog---appreciate it.

________this is my response po.

Nina---I guess its time to travel. ika nga nila, wag maging dayuhan sa sariling bayan. tara na byahe tayo---D.O.T

.............
hope to see
you around more
often>>>>tc

xtian001 said...

Meron din kaming Macopa sa bahay. Kainis yan pag sobrang dami na ng bunga and then malalaglag. We'd get several buckets and throw them dahil sira na.

raqgold said...

hahaha - macopa! na-alala ko sa mismong puno kami ng macopa tumatambay habang ngumangata ng macopa!, sarap.

spiCes said...

uy! nkk-miss yang macopa! meron kaming puno nyan noong bata pa ako:)

Joe Narvaez said...

Uy macopa!

munchkin mommy said...

wala akong nakagisnang punong nagbubunga ng prutas. matagal na akong hindi nakakakain ng makopa.

Pinky said...

Natandaan ko tuloy bigla yung puno ng makopa sa kapitbahay namin noong bata pa ako.

Paborito kong prutas? Wala pa ring tatalo sa manggang Pinoy - manibalang man o hinog - the best talaga!

Coriander Dreams said...

meron kami noon puno nito sa harap ng bahay! :) galing!

Toni said...

MAKOPA! That takes me back to my childhood. My grandparents had a makopa tree in their front yard. I remember eating the fruit freshly picked from the tree!

Joy said...

I love makopa!

Thanks for visiting Norwich Daily Photo. Enjoy your weekend!


joy
A Pinay In England
Your Love Coach
I, Woman