Google

November 5, 2008

LP - Maalaala mo kaya?


Sa totoo lang medyo nahirapan akong humanap ng lahok para sa linggong ito. Nasa Pilipinas kasi yong mga bagay na pwede kong ilahok o kahit mga lumang larawan. Maswerte at may luma pala akong litrato na ginamit sa aming wedding video.


LP - Maalaala mo kaya?


Bago ang lahat, naaalala nyo ba noong araw, ang mga camera na rectangle tapos ang film nya 110 ang size? Sa pagkakatanda ko kuha ang litratong ito mula sa camera na 110 ang film. Napansin nyo ba yong teleponong pula? Laruan ko yan. Noong araw wala pa kaming telepono sa probinsya kaya binilhan akong laruan ng papa ko. Di ba katulad sya ng mga lumang telepono na kulay itim? Noong college ako (1994), ang telephone ng landlady ko ay yong kulay itim pa rin, tapos 6 digits lang ang telephone number. Kapag busy ang tinatawagan mo, mapupudpod ang daliri mo sa kaka-dial. At wag ka may party line pa. Hehehehehe. Natatandaan nyo ba yong lumang public phone na kulay pula? Yong kailangan ng tatlong bente singko para gumana? Pero di ko na inabutan yon. Noong college ako bago na ang pay phone - ang kailangan naman ay dalawang piso. May dalawang pisong buo pa noon - yong may niyog. Di ko na masyado matandaan hexagon ata yong hugis o octagon. Tapos nauso yong cell phone na saksakan ng laki - yong analog. Mahal pa magka cellphone noon at kapag meron ka noon, aba eh sikat ka. Pero kung meron ka non ngayon eh baka lumubog ka sa kahihiyan :)
Yong isang bagay naman sa likod ko ay yong stereo - galing Saudi. OFW kasi papa ko. Pero siyempre ang stereo noon eh may casette tape player, amplifier at malalaking speakers. Tapos may counter - para kapag nagrerewind ka alam mo kung saan hihinto ang favorite song mo. Uso din yong maliliit na casette player noon. Nauso nga yong may bitbit na casette noon tapos bigla na lang magbre-break dance in public.
Hay ang daming memories. Nakakatuwa maalala. Lalo na kung bata ka noong 80s at teens noong 90s. Ibang-iba na ang mga uso noon at ngayon. Kayo anong naaalala nyo noong 80s and 90s?
Bisitahin ang iba pang miyembro ng Litratong Pinoy.

13 comments:

Joe Narvaez said...

Hehe andami na ngang nagbago.

Kumusta po? Ito po ang lahok ko ngayong linggo.

reyna elena said...

ano nga kaya ipost ko rin yong ako eh normal pa hehehe - maala-ala ko kaya? hahahaha ang ganda nitong mga entries ninyo hehehe

kengkay said...

ang kyut ni nina! remember yung mga tv nun may box pa sya na pwedeng isara?

sumali na rin pala ako sa LP, eto ang aking lahok dun sa aking nanay blog
http://homeworked.blogspot.com/2008/11/soldiers-our-soldier.html

Joy said...

I'm sure since a photo speaks a thousand words, it'll bring back more memories than that. Good to know that you enjoyed your childhood.


joy
A Pinay In England

Pinky said...

Lahat ata ng nabanggit mo e naalala ko - medyo sabay ata tayong lumaki e - hehehe! :)

At kamukha mo pa rin yung litrato mo noong bata ka ha - galing!

the donG said...

pareho pala tayo. pumunta din kasi tatay ko sa saudi nung 80s at bumalik ng early 90s. dami ngang memories kahit sa isang picture lang parang ang dami mo ng maaalala.

reyna elena said...

in ferness ang mga katas nasa likuran mo hahah me mga receiver boom baks anu yan? betamaks? i remember those hahaha

Nina said...

salamat sa inyong mga visits....

@reynaelena - stereo yon saka amplifier. Alam mo na noong araw di ba ilang patong ang stereo - may amplifier, may casette player, may pang radio. Tapos may malalaking speakers. Mahilig kasi sa sounds ang papa ko.

pining said...

ang cute mo naman nung bata ka, I'm sure hanggang ngayon pa rin :-)
ang gara rin ng iyong pulang telepono!

Dyes said...

ang naaalala ko sa mga nakalipas na taon ay ang bangs na apple cut :) buti hindi pina-apple cut ang buhok mo :) ehehehe!

happy LP!

thess said...

Ang daming memories..good memories!

I like your bangs! (^0^)

Heart of Rachel said...

Ang cute ng picture mo. Ang saya balikan ang kabataan. Nakaka relate ako sa mga kwento mo. May panahon dati na wala pa kaming telepono. Nakikitawag lang kami sa bahay ng lola ko na kapitbahay namin. Itim nga ang telepono noon at may party line pa. Ha ha!

caryn said...

awww! ang kyut! seriously, ang ganda ng ngiti mo, galing sa puso ;-)