Google

November 19, 2008

LP - Marumi

LP - Madumi

Ang araw ng Huwebes ay lagi kong hinihintay. Bukod sa Litratong Pinoy, ito rin ang huling araw na may pasok. Kadalasan, ito ang araw ng paglalaba ng maruming damit na naipon sa buong linggo para pagdating ng Biyernes ay sitting pretty na. Sa Pinas, hindi ko iniintindi ang paglalaba dahil may gumagawa nito para sa akin. Pero dito sa Qatar, walang ibang aasahan kundi sarili ko.
Maarte ako maglaba - hiwalay ang puti, dekolor at yong light colors. Hiwalay din ang maong at makapal na tela at yong mga maselan at delikadong tela. Alam nyo ba na ang mga simbolo (washing instructions) na karaniwang makikita sa etiketa ng damit ay importanteng sundin upang mapangalagaan at magtagal ang mga damit? Gumagamit din ako ng fabric conditioner para malambot ang damit pagkatapos labhan at ang mga blusa ko kailangan may starch spray (depende sa tela) kapag pinlantsa. Kayo, meron ba kayong washing tips na pwedeng ibahagi?
Bisitahin ang iba pang miyembro ng Litratong Pinoy.

14 comments:

raqgold said...

ahehee, ang linis naman nyang mga madumi mo. yung aking mga labada e halatang nanglilimahid talaga e

eto ang aking lahok
http://homeworked.blogspot.com/2008/11/madumi-o-hindi-dirty-or-not.html

cookie said...

naku, dyan ako walang katiyaga-tiyaga. minsan nga nilabhan ko yung mga damit ng anak ko ayun, nagkahawa-hawa lahat. naging pink yung mga damit kasi may pulang t-shirt dun na kumukupas :)

thess said...

Nina, ang sipag mo maghiwa-hiwalay talaga ng labahin! Sabagay tama ka, kailangan gawin yan at sundin din ang etiketa ng mga damit, otherwise, masisira ang mga ito. Nangyari na sa akin kasi yan, nilabhan ang wool sa 30C, ayun ng matapos ang ikot ng machine, kasya na sa manika, umurong!

Enjoy your free day (or days ba?) and Happy LP :)

mirage2g said...

Hindi maarte ang tawag jan Nina, metikoloso! :D tama lang yan kasi sayang ang damit pag mali ang paglalaba dito.

Maganda ang nabili kong sabon, di ko na kelangan ng downy, at di ko na din kelangan magplantsa =D

HappyLP!

JO said...

mukhang bagong laba ah!

Eto ang aking lahok.

Pete Rahon said...

laba - itambak lahat sa washing machine - well si nanay ang style - kulada - as in ang mga puti dapat maarawan mababad sa init na may sabong perla tapos babanlawan at sasabunin ulit ng superwheel ( ba iyon) heheehe... style ko ang blue jeans kasama ang undies at medyas na de color, ang pantaas - shirts washed separately at syempre mas mainam gumamit ng liquid detergent lalo na kung malamig at walang mainit na tubig sa washing machine - namumuo ang powdered detergent sa lamig ng tubig esp kapag winter, o di ba may washing tips pa hehehe...

lino said...

hehe, laundry day.... pasensya na at ako'y nahuli, pakisilip ang aking lahok... :)

pao said...

hehehe, mukhang bagong-laba nga. :) happy LP!

Heart of Rachel said...

When I was young, I don't remember my mom using fabric conditioner on our clothes. Now, fabric conditioner is a daily part of our grocery list.

Joy said...

Ganyan din ako - pinaghihiwalay ang mga load ng labahin. Ako nga lang, araw-araw ang paglalaba. At least isang load a day para di naiipon. 6 kasi kami sa bahay.

Salamat sa pagdalaw sa LP ko ha! Much appreciated!

Blogger said...

Hi! We are currently doing a study on blogging and would like to invite you to fill out a survey that we have prepared regarding this topic. This will only take 5-10 minutes of your time. 

Munchkin Mommy said...

ok lang ang maglaba para sa akin ang pagtutupi ang madugo. hee hee. :D

caryn said...

heehee. i have a similar pile at home ;-)

Joy said...

I don't look forward to laundry day, as it has gotten way complicated. I miss just having to separate the whites from the colours. Due to various washing needs, I tend to have more batches of laundry than I care for.

Thanks for visiting Norwich Daily Photo. Enjoy your weekend!


joy
A Pinay In England
Your Love Coach
I, Woman